29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

National ID sisimulang ipamahagi sa Setyembre sa unang 6-M Pilipino

- Advertisement -

Mahigit anim na milyong Pilipino ang inaasahang mauunang makatanggap ng kanilang national ID o identification card sa Setyembre.

Ito ang ipinangako ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa hearing na ginawa ng House Oversight Committee on Population and Family Relations na ginawa sa Dumaguete City.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Atty. Lourdines Dela Cruz, handa na ang ahensya na magsagawa ng unang batch ng registration para unang batch ng release ng national ID.

Kabilang sa mga mauunang magparehistro para sa ID ang mga indigent, persons with disabilities at government workers sa iba’t ibang pangunahing lugar sa bansa.

Target na mabigyan ng national ID ang lahat ng mga Pilipino at resident aliens na nasa edad limang taon pataas.

Sa taong 2022, inaasahang nasa isang daang (100) milyong mga Pilipino na ang mabibigyan ng ID na mayroong permanenteng Philippine Identification System Number.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -