Nasa 15 establisyimento sa Binondo pinagpapaliwanag sa kabiguang magbayad ng SSS contribution

by Powered by DWIZ
0 comment
Nasa 15 establisyimento sa Binondo pinagpapaliwanag sa kabiguang magbayad ng SSS contribution

Naglabas ng show cause order ang Social Security System sa mga business establishments sa Binondo, Maynila na bigong irehistro ang kanilang mga manggagawa at hindi nagbabayad ng kontribusyon.

Nasa sampu (10) hanggang 15 establisimiyento ang pinagpapaliwanag ng SSS kung bakit hindi sila nabigong iparehistro ang kanilang mga manggagawa.

Ipinaskil ng mga tauhan ng SSS ang show cause order sa mga business establishments kung saan nakasaad na mayroon silang 15 araw para magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan dahil sa hindi pagsunod sa panuntunan.

Nakasaad rin sa show cause order na sinuman ang mabigong sumunod rito ay sasampahan ng kaso at mahaharap sa 12 taong pagkabilanggo.

Related Posts