29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Nasa 10,000 katao inaasahang magkakasa ng kilos protesta bilang suporta kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Aabot sa sampung libo katao ang inaasahang magkasa ng kilos protesta bilang suporta kay pang. Rodrigo duterte sa ika-apat na sona nito, ngayong araw.

Ayon kay NCRPO o National Capital Region Police Office Dir. M/Gen. Guillermo Eleazar, nakipag ugnayan na anya ang mga pro-Duterte groups sa pulisya hinggil sa mga ilulunsad nitong aktibidad.

Inatasan ang pro-Duterte rallyists na okupahin ang IBP Road sa kahabaan ng Sinagtala Street sa Commonwealth.

Paliwanag ni Eleazar, tulad ng sa anti-Duterte rallyists, may nakalatag rin na security plans para sa mga pro-Duterte groups at sino mang lalabag sa dito ay aarestuhin ng pulisya.

Samantala, umapela naman si Eleazar sa mga lider ng pro-Duterte groups na huwag nang lumapit sa mga anti-Duterte rallyists upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -