Nangyaring sunog sa LRT 2 hindi arson ang dahilan kundi kidlat — LRT engineering dept

Nangyaring sunog sa LRT 2 hindi arson ang dahilan kundi kidlat — LRT engineering dept

by Powered by DWIZ
0 comment 27 views

Hindi arson kundi kidlat ang siyang dahilan kaya nagkaroon ng sunog sa Light Rail Transit Line 2 o LRT-2.

Ito ang ipinahayag ni LRT Line 1 at 2 Engineering Department Manager Engr. Federico Canar sa naging emergency meeting ng House Committee on Transportation kahapon.

Ayon kay Canar, sa kanilang inisyal na assessment sa pangyayari ay nakita na ang sunog ay posibleng nagsimula dahil sa pagtama ng kidlat.

Aniya, kung equipment failure ang nangyari ay dapat isang substation lamang ang natupok ngunit ang nangyari ay nasunog ang substation 4, 5 at 6.

Kinuwestiyon ng ilang mambabatas kung masama ba ang panahon noong mangyari ang sunog ngunit paliwanag ni Canar na posibleng tumama ang kidlat anomang oras.

Samantala, dito ay inamin din ng LRTA na nahihirapan silang gumawa ng conclusive report sa nangyari at kabuuan ng mga nasira lalo’t nasa hurisdiksiyon pa ng Bureau of Fire Protection o BFP ang lugar.

Kaugnay nito, ipinag utos ng Department of Interior and Local Government o DILG sa BFP na bilisan na ang kaniklang isinasagawang imbestigasyon para masimulan na ang mga gagawing repair sa LRT-2.

0 comment

Related Posts