33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mock elections para sa May 13 polls isinagawa ngayong araw

- Advertisement -

Nagsagawa ng mock elections sa animnapung (60) mga lugar sa bansa sa pangunguna ng Commission on Elections (Comelec) bilang paghahanda sa May 13 midterm elections.

Nagsimula kaninang alas-5:00 ng umaga ang naturang aktibidad at inaasahang tatagal hanggang ala-1:00 ng hapon.

Kabilang sa animnapung (60) mga lugar kung saan nagsagawa ng mock elections ang Quezon City, Maynila, Pasig, Taguig, Pateros, Valenzuela, Muntinlupa, Pangasinan, Cagayan, Sorsogon, Camarines Sur, Cebu, Bohol, Sulu at Basilan.

Palalawigin naman hanggang alas-6:00 ng gabi ang mock elections sa ilang mga barangay patikular na sa Quezon City na may malaking bilang ng mga botante.

Samantala, mag-iikot din ngayong araw si Comelec Spokesperson James Jimenez sa ilang mga distrito sa nabanggit na lugar para mag-inspeksyon at mag-obserba sa naturang aktibidad.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -