Misis ni Yuson nanawagan kung totoo bang suspek sa pagpatay ng kanyang asawa ang nakakulong sa MPD 5

Misis ni Yuson nanawagan kung totoo bang suspek sa pagpatay ng kanyang asawa ang nakakulong sa MPD 5

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Nananawagan si Lalaine Yuson na siyang asawa ng pinaslang na Bise Alkalde ng Batuan Masbate na si Charlie Yuson III kaugnay sa pagtitiyak kung totoong suspek sa pananambang sa kanyang asawa ang nakakulong sa Manila Police District Station 5.

Kinilala ni Yuson ang mga suspek na tauhan umano ni PCSO Board Member Sandra Cam.

Nangangamba naman ang kapatid ng biktima na mismong chairman sa pinangyarihan ng pananambang na baka umano palitan ang mga tunay na suspek sa loob ng piitan.

Paliwanag naman ni station commander ng MPD 5 na si Police Lt. Col. Ariel Caramoan na iniimbestigahan parin nila ang kaso.

Matatandaang pinagbabaril ang Bise Alkalde kahapon habang kumakain sa isang karinderya sa Sampaloc, Maynila.

0 comment

Related Posts