Michelle Dee kinoronahang Miss World PH 2019

Michelle Dee kinoronahang Miss World PH 2019

by Powered by DWIZ
0 comment 50 views

Itinanghal bilang Miss World Philippines 2019 ang modelong si Michelle Dee sa ginanap na coronation night ng beauty pageant kagabi.

Una pa lamang ay marami nang napanalunang special awards ang model turned beauty queen.

Buong galak namang sumagot si Dee sa question and answer portion na nagpahanga sa mga hurado at manonood.

Si Dee ay anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez at pinsan ni Reina Hispano Americana 2017 Winwyn Marquez.

Samantala ang dating child actress naman na si Isabelle De Leon ay kinoronahan bilang Miss Multinational Philippines 2019.

0 comment

Related Posts