Mga sinibak na BOC officials paglilinisin ng Pasig river

Mga sinibak na BOC officials paglilinisin ng Pasig river

by Powered by DWIZ
0 comment 55 views

Tuluyan nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng tauhan at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) administrative section dahil sa katiwalian.

Ito mismo ang inihayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Quezon City.

Ngunit nilinaw rin ng pangulo na hindi kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang mga sinibak kundi ang 64 lamang na tauhan ng admin section.

Kaugnay nito, inamin rin ng pangulo na inatasan niya ang mga tinanggal na empleyado ng Customs na linisin ang bahagi ng Pasig River na malapit sa Palasyo ng Malacañang.

0 comment

Related Posts