Mga pulis na nakisawsaw sa eleksyon posibleng masibak — Albayalde

Mga pulis na nakisawsaw sa eleksyon posibleng masibak — Albayalde

by Powered by DWIZ
0 comment 49 views

Posibleng masibak sa pwesto ang mga pulis na umano’y nakisawsaw sa pulitika nitong eleksiyon.

Ito ang naging babala ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, hinggil sa pagkakasangkot ng higit kumulang isang libong pulis sa partisan politics.

Dagdag pa ni Albayalde, may ilan ring mga pulis ang nagsilbi umano bilang security aide ng mga kandidato.

Aniya, masusi nang iniimbestigahan ng PNP ang naturang pangyayari.

Samantala, muli namang pinaalalahanan ni Albayalde ang buong pwersa ng PNP na maging tapat at magkaroon ng non-partisan character bilang kasapi ng isang law enforcement agency.

—–
0 comment

Related Posts