31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga pekeng sigarilyo nasamsam sa Cagayan De Oro City

- Advertisement -

Nasamsam ng mga tauhan ng NBI o National Bureau of Investigation ang 60 milyong pisong halaga ng pekeng sigarilyo sa KDT Logistics Warehouse sa Cagayan De Oro City.

Ayon kay NBI Special Investigator Atty. Nolan Gadia, sinalakay ng mga tauhan ng NBI ang isang warehouse na pagmamay-ari ng anim na Taiwanese nationals.

Dito, tumambad sa mga otoridad ang mga pekeng sigarilyo na wala ring lehitimong stamps ng BIR o Bureau of Internal Revenue.

Dagdag pa ng opisyal, aabot rin sa 18 milyong piso ang estimated sin tax ang dapat bayaran ng mga nasabing Taiwanese nationals sa gobyerno.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng NBI Region 10 ang mga Taiwanese nationals habang inihahanda pa ng BIR ang mga kaukulang kasong isasampa sa mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -