Mga Mambabatas Sa Bicol Nagkaka-Isa Sa Pagtutol Sa Provincial Bus Ban Sa EDSA

Mga Mambabatas Sa Bicol Nagkaka-Isa Sa Pagtutol Sa Provincial Bus Ban Sa EDSA

by RPN
148 views

Iriga City – Nagkaka-isa ngayon ang mga mambabatas at matataas na opisyal ng bicol sa pagtutol sa pagpapatupad ng provincial bus ban ng MMDA na planong simulan sa susunod na lingo.

Ayon kay Camarines Sur 2nd District Cong. Lray Villafuerte, kailangan na magkaroon ng imbestigasyon ang mababang kapulungan, upang malaman kung ano talaga ang nais palabasin ng MMDA sa kautusang ito.

Sa panig naman ni ako bicol party list cong. Alfredo Garbin Jr., itoy naniniwala na makakakuha siya ng TRO mula sa korte suprema upang maipatigil an plano ng MMDA.

Si Cong. Joey Sarte Salceda ng albay, nagpahayag na kailangan pa ang pag-aaral tungkol dito, dahil hindi naman ang provincial bus ang dahilan ng grabing traffic sa EDSA kundi sa maraming dahilan.

Kasabay nito, nagkakaisa ang mga mambabatas na mas mabuting ipagpaliban muna ng MMDA an pinaplano sa Agosto 6 sa implementasyon nito at pag-usapan na muna kasama ang LTFRB at iba pang ahensya ng pamahalaan.

-M. Barayoga

0 comment

Related Posts