Mga kongresistang kasama sa ‘narco list’ tiniyak na mabibigyan ng due process

by Powered by DWIZ
0 comment
Mga kongresistang kasama sa ‘narco list’ tiniyak na mabibigyan ng due process

Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na mabibigyan ng due process ang mga kongresista na kasama sa pinaka huling narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Arroyo, karapatan ng mga nasangkot na kongresista ang maghain ng resolusyon upang magpatawag ng hearing hinggil dito ang Kongreso.

Gayunman, hindi anya ito maaaring gawin in aid of legislation kundi dapat isagawa ng oversight on the dangerous drugs law.

Tatlong kongresista ang kasama sa 46 na pulitikong kasama sa isinapublikong narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Related Posts