Mga branded na tinapay at semento isinusulong na lagyan ng SRP
January 12, 2019
Mahigit 10,000 sundalo ipakakalat para sa plebesito ng BOL
January 13, 2019
Show all

Mga datos ng DFA tinangay ng dating kontraktor nito

Tinangay ng dating contractor ng DFA o Department of Foreign Affairs ang lahat ng datos ng kagawaran.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., itinakbo ng dati nilang outsourced passport provider ang lahat ng datos ng mga passport holders matapos nilang hindi i-renew ang kontrata nito.

Ito aniya ang dahilan kaya’t muling nilang hinihingan ng karagdagang dokumento ang lahat ng aplikanteng mag re-renew ng kanilang mga pasaporte.

Samantala, tiniyak naman ni Locsin na sisiguraduhin ng DFA na hindi na ito muling mangayayari upang maiwasan na rin ang anumang banta sa seguridad.

Comments are closed.