29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

May ari ng Chinese vessels na bumangga sa bangka ng mga mangingisda sa Recto Bank humingi na ng paumanhin

- Advertisement -

Humingi na ng paumanhin ang may-ari ng Chinese vessels na bumangga sa bangka ng mga mangingisda sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo batay sa ipinalabas na kalatas ng samahan ng mga mangingisda sa China.

Anila humingi na sa kanila ng dispensa ang may-ari ng nabanggit na Chinese vessel at nagpahayag na rin umano ito ng kalungkutan sa nangyari.

Ito ay dahil hindi man lang daw nagawang tulungan ng mga Chinese crew ang mga pilipinong biktima ng insidente at basta na lamang iniwan sa gitna ng karagatan.

Gayunman, hinimok pa rin ng grupo ang gobyerno na maghain ng opisyal na apela para sa kompensasyong dapat matanggap ng mga pilipinong mangingisdang sakay ng nasirang bangka.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng asosasyon ng mga mangingisda sa China na gagawin nila ang lahat para agad maibigay ang kompensasyon ng mga mangingisdang Pinoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -