Manila Mayor Estrada iimbestigahan ng DILG kaugnay sa 27 ghost barangay

0
50

Iimbestigahan ng Department of Interior and Local Government o DILG si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kaugnay sa umano’y dalawampu’t pitong ghost barangay na una nang kinuwestyon ng Commission on Audit o COA.

Batay kasi sa COA, nakatanggap ng isandaan at walong milyong real property tax shares ang dalawampu’t pitong ghost barangay.

Dahil dito, ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, ay kinakailangan nilang magsagawa ng imbestigasyon kahit pa sangkot ang Alkalde.

Dagdag pa ni Año, seryoso ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban sa kurapsyon sa pamahalaan kung kaya’t walang sinoman ang sasantuhin nito.