Mahigit 50 migrants nalunod sa Mediterranean Sea

Mahigit 50 migrants nalunod sa Mediterranean Sea

by Powered by DWIZ
0 comment 127 views

Nalunod ang mahigit 50 migrants makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Mediterranean Sea.

Ayon sa United Nations International Organization for migration, galing Libya ang lumubog na bangka na patungo sana sa Italya.

Ang naturang trahedya ang itinuturing na isa sa deadliest shipwrecks na kinasasangkutan ng mga migrant na nagbabakasakaling iligal na makatawid patungong Europa ngayong taon.

Kasabay nito, nanawagan ang un sa gobyerno ng Libya na aksyunan ang patuloy na paglikas ng kanilang mga mamamayan na dulot ng lumalalang tensyon sa kanilang bansa.

—–
0 comment

Related Posts