Radio Philippines Network
Headlines National News

LRT 1 nagka aberya kaninang umaga

Ilang minutong naantala ang biyahe ng LRT Line 1 partikular sa mga tren galing Baclaran patungong Roosevelt.

Nabatid na alas 6:18 ng umaga nang mag abiso ang LRT 1 hinggil sa umiiral na 15 kilometer per hour speed restriction dahil sa nagka problemang tren.

6:24 ng umaga nang mag abiso ang LRT 1 na itigil muna ang operasyon ng mga tren mula Baclaran hanggang Roosevelt.

Ayon sa LRT 1, mayroong nagka problemang tren sa Blumentritt na kaagad namang inayos ng kanilang technician.

Makalipas ang dalawang minuto ay balik na sa normal ang operasyon ng LRT 1.

Subalit, pinayuhan ang mga pasahero na maglaan ng ilang minutong mas maaga sa kanilang biyahe dahil nagdulot ng paghaba ng pila sa ilang istasyon ang naranasang aberya.

Related posts

SSS members maaaring mag-apply ng calamity loan dahil sa COVID-19

Powered by DWIZ

Suspensiyon sa STL ops inalis na ni Duterte

Powered by DWIZ

PAGCOR tiniyak na ipasasara ang lahat ng mga pasaway na POGO

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More