COMELEC hinimok ang publiko na magsumbong ukol sa mga di tamang paglagay ng campaign materials
February 12, 2019
Travel tax discount para sa mga senior citizens at PWDs lusot na sa huling pagbasa ng Kamara
February 12, 2019
Show all

Lapeña no-show sa DOJ preliminary investigation kaugnay sa Customs shabu smuggling

No show o hindi dumalo si dating customs commissioner Isidro Lapeña sa idinaos na preliminary investigation ng DOJ o Department of Justice hinggil sa mga kasong may kaugnayan sa pagkapuslit ng multi-bilyong pisong shabu shipment, kahapon.

Magugunitang nag-ugat ang mga kaso sa pagkawala ng shabu na nagkakahalaga di umano ng 11 bilyong piso at nasa loob umano ng magnetic lifter na nakalusot sa Bureau of Customs.

Ayon sa abogado ni Lapeña, abala ang kanyang kliyente sa kanyang mga tungkulin bilang director general ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority at humiling na lamang ng extension upang makapaghain ng counter affidavit.

Pinagbigyan naman ito ng DOJ at pinayagang magsumite ng counter affidavit sa itinakdang petsa sa Pebrero 21.

Nakatakda namang isagawa ang susunod na preliminary probe ng DOJ kaugnay sa naturang shabu smuggling sa Marso 4.

Comments are closed.