Laging may posibilidad ang kudeta sa house speakership kahit sa senado – Pimentel

Laging may posibilidad ang kudeta sa house speakership kahit sa senado – Pimentel

by Powered by DWIZ
0 comment 63 views

Laging may posibilidad ang kudeta sa House Speakership kahit anya sa liderato ng senado.

Ito ang inihayag Senator Koko Pimentel ng tanungin sa isiniwalat ni Congressman Paolo Duterte na may mga pag-uusap ukol sa posibleng kudeta sa araw ng eleksyon ng bagong House Speaker sa July 22 sa pagbubukas ng 18th congress.

Giit ni Sen. Pimentel, hindi ini aanunsyo ang kudeta, pero laging may  posibilidad  na mangyari kahit dito sa senado.

Pero agad na nilinaw ni Pimentel na hindi mangyayari ang kudeta sa ilalim ng  liderato ni Senate President Vicente Sotto III.

Una rito ,sinabi ni Congressman Paolo Duterte na nakatanggap siya ng report na isa sa tatlong  contender  para sa pagka-house speaker ang nagbabalak magkudeta sa July 22.

0 comment

Related Posts