Labor groups nagtipon sa Mendiola ngayong Labor Day

by Powered by DWIZ
0 comment
Labor groups nagtipon sa Mendiola ngayong Labor Day

Nagtipon sa Mendiola ang libo-libong manggagawa na mula sa iba’t ibang labor groups ngayong May 1 o Labor Day.

Bitbit ang mga tarpaulin, placards at banner, iginiit ng mga ito ang umento sa sahod, pagpapatigil sa kontraktuwalisayson at pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Matapos ang programa sa Mendiola, tutungo naman ang mga raliyista sa Liwasang Bonifacio para makasama pa ang iba pang grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Ayon kay KMU Chairman Elmer Labog, susunugin nila ang effigy ni Pangulong Duterte na tinagurian nilang “dutertemonyo”.

Patuloy na nangangayupapa ang gobyerno ni Presidente Duterte sa Estados Unidos at sa Tsina samantalang ang mga batayang usapin at kagalingan para sa mga mamamayan ay napapariwara. Dapat bigyan ng atensyon ito kaya’t ito ay isang pagtuligsa sa maling palakaran lalong lalo na ang pag-atake mismo sa mga manggagawa’t mamamayan, ang malaganap na pagpaslang kaya’t nagpapatuloy yung “dutertemonyo/manya” at ito nga ang nagiging itsura nito na isang malaking demonyo laban sa mga manggagawa at mamamayang Pilipino.” ani Labog.

Ratsada Balita Interview

Related Posts