Labi ng ikalawang turistang Pinoy na nalunod sa isang beach sa Thailand natagpuan na

by Powered by DWIZ
0 comment
Labi ng ikalawang turistang Pinoy na nalunod sa isang beach sa Thailand natagpuan na

Natagpuan na rin ang labi ng ikalawang turistang Pilipino na nalunod at inanod sa isang beach sa Phuket, Thailand.

Ang labi ng 29 anyos na si Angelo Bien Rafael ay positibong kinilala ng kanyang ama na kasama niyang nagbakasyon sa Thailand.

Unang natagpuan ng isang Romanian tourist ang labi ng kasama ni Rafael na si Noah Ibay.

Sina Rafael at Ibay ay kabilang sa 13 Pinoy na nagbabakasyon sa freedom beach sa Phuket.

Nawala ang dalawa sa harap ng napakalakas na alon sa freedom beach.

Related Posts