36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Labas ng NBP bantay sarado ng SWAT, snipers at armored cars

- Advertisement -

Bantay sarado ngayon ng Special Weapons and Tactic Teams (SWAT), Snipers at Armored vehicle ang loob at labas ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ito ay matapos ang ginawang crackdown sa mga ilegal na pasilidad sa mga quarters sa loob ng NBP.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Major Alberto Tapiru, nakataas nang red alert sa piitan dahil sa nangyaring kaguluhan sa loob matapos ang crackdown.

Lahat aniya ng preso at inilipat sa quadrant 2 ng maximum security compound kung saan nakabantay ang mga snipers at assault team.

Ayon pa kay Tapiru, tumataas ang tensyon sa loob kaya minabuti na mas maraming pwersa ang nakabantay.

Matatandang 7 preso ang namatay matapos ang naganap na riot sa loob ng NBP noong nakaraang Linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -