36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Konsulada sa Hong Kong may babala sa mga manggagawang Pinoy

- Advertisement -

Binalaan ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong ang mga manggagawang Pilipino laban sa paglahok sa mga kilos protesta.

Ginawa ni Consul General Antonio Morales ang babala makaraang lumabas sa social media ang larawan ng ilang mga Pinoy sa Hong Kong habang nasa kilos protesta.

Ayon kay Morales, posibleng maaaring gamiting ground ng immigration ang mga larawan upang kanselahin ang visa ng mga mapapatunayang lumalahok sa rally sa Hong Kong.

Sa ngayon anya ay tahimik ang sitwasyon sa Hong Kong subalit hindi malayo na muling magbalik kalsada ang mga mamamayan ng Hong Kong upang igiit ang pagwithdraw sa extradition bill at pagbibitiw sa puwesto ng chief executive ng Hong Kong.

Sinabi ni Morales na nasa mahigit 230,000 Pinoy na nagta-trabaho sa Hong Kong ang hindi malayong maapektuhan sakaling maapektuhan na ang ekonomiya ng Hong Kong dahil sa mga mararahas na kilos protesta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -