Kennon Road nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan

0
58

Nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang Kennon Road, patungo ng Baguio City.

Ayon kay Senior Inspector Francisco Pen, hepe ng PNP Station sa Kennon Road Baguio, maliban sa pagbagsak ng mga bato dahil sa mga pag-ulan, may ginagawang road widening at repair ng tulay ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa Camp Five sa Tuba Benguet.

Pinayuhan ni Pen ang mga nagnanais umakyat o mga bababa mula sa Baguio City na dumaan na lamang sa Marcos Highway dahil mas ligtas anyang dumaan rito lalo na kung malakas ang ulan.

Maliban sa Marcos Highway, isa pang alternate road paakyat o pababa ng Baguio City ang Naguilian Road.

(Ratsada Balita Interview)