Kalahating milyong piso halaga ng shabu nasabat sa Bacolod
August 10, 2018
Moroccan national ang suspek sa Basilan blast—Lorenzana
August 10, 2018
Show all

‘Karding’ napanatili ang lakas; LPA sa labas ng PAR isa nang bagyo

Napanatili ng bagyong Karding ang lakas nito habang kumikilos pa-hilagang kanluran.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong isanlibo animnapung (1,060) kilometro silangan hilagang silangan ng Basco Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging papalo sa pitumpu’t limang (75) kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa siyamnapung (90) kilometro kada oras.

Ipinabatid ng PAGASA na hindi naman tatama sa anumang kalupaan sa bansa ang bagyong Karding na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa pagitan ngayong gabi hanggang bukas ng umaga.

Samantala, naging ganap nang bagyo ang Low Pressure Area na nasa isanlibo isandaan at walumpung (1,180) kilometro kanluran ng dulong bahagi Northern Luzon sa labas ng PAR.

Taglay naman nito ang lakas ng hanging nasa limampu’t limang (55) kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa pitumpu’t limang (75) kilometro kada oras.

Patuloy namang paiigtingin ng bagyong Karding at ng isa pang bagyo sa labas ng PAR ang southwest monsoon o habagat kaya’t asahan ang bahagya hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at western section ng Gitnang Luzon.

—-

 

 

 

Comments are closed.