Kalamidad sa bansa dapat ikonsidera sa national budget discussion — Recto

Kalamidad sa bansa dapat ikonsidera sa national budget discussion — Recto

by Powered by DWIZ
0 comment 16 views

Makabubuting ikonsidera ang mga kalamidad sa bansa sa diskusyon at debate sa national budget.

Ito ay ayon kay Senate President Pro tempore Ralph Recto hinggil sa pagbabalangkas ng pambansang pondo.

Aniya, malaki ang kailangang gastusin sa tuwing tumatama ang anumang kalamidad sa bansa lalo na sektor ng agrikultura, imprastraktura.

Kasama na rin dito ang mga kalamidad na hindi dulot ng kalikasan katulad ng African Swine Fever (ASF).

Aniya, dapat ay pag aralan pa ng maigi kung saan dapat ilagay ang mas malaking pondo sakaling tumama ang hindi mga inaasahang pangyayari.

0 comment

Related Posts