Johnny Depp nagsampa ng kaso laban sa kanyang asawa

by Powered by DWIZ
0 comment
Johnny Depp nagsampa ng kaso laban sa kanyang asawa

Sinampahan ng kasong paninirang-puri ni Hollywood actor Johnny Depp ang kanyang asawa na si Hollywood actress Amber Heard.

Ito’y kaugnay sa unang isyu na lumabas noong taong 2016 kung saan binugbog umano ng aktor ang kanyang asawa.

Paliwanag ng aktor, ni minsan ay hindi nya nagawang saktan ang kanyang asawa at siya pa umano ang binubugbog nito.

Dagdag ni Depp, nagtamo siya ng mga sugat sa katawan at injury sa daliri nang hagisan siya ng aktres ng baso na may lamang vodka.

Ikinagulat naman ng mga tagasuporta ni Depp ang rebelasyong ito ngunit nagpapasalamat pa rin ang aktor sa kanyang mga fans na patuloy pa ring sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang pingdadaanan.

Related Posts