Isa patay sa pamamaril sa Australia

by Powered by DWIZ
0 comment
Isa patay sa pamamaril sa Australia

Isa ang naitalang nasawi habang tatlo naman ang sugatan sa naganap na pamamaril sa labas ng isang sikat na nightclub sa Melbourne City sa Australia.

Ayon sa mga otoridad, isang 37-year-old ngunit hindi pa pinapangalang security guard ang namatay.

Habang isa naman sa tatlong sugatan ang nasa kritikal na kalagayan.

Sa ngayon ay wala pang nangyayaring pag-aresto sa naturang insidente kaya’t hinimok ng pulisya ang mga nakasaksi sa pangyayari na makipag-ugnayan at magbigay ng detalye sa kanilang mga nalalaman.

Dagdag pa ng pulisya, walang ebidensyang nagpapakita na may kaugnayan sa teroristang pag-atake ang naturang insidente.

—-

Related Posts