Infomercial kontra tigdas pangungunahan ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Infomercial kontra tigdas pangungunahan ni Pangulong Duterte

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang infomercial ng DOH o Department of Health kontra tigdas.

Iyan ang kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III kaugnay ng gagawing information drive ng kagawaran para sa tigdas.

Ayon kay Duque, ito ay matapos umakyat sa 70 ang bilang ng mga namatay dahil sa naturang sakit.

Pumalo naman sa bilang na apat na libo ang kaso ng mga tinamaan ng tigdas sa bansa mula noong Enero hanggang Pebrero ng 2019.

Kaugnay nito patuloy pa ring hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna na kontra tigdas.

Samantala, nakataas pa rin naman ang measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Western at Central Visayas.

Related Posts