Ilang lugar mawawalan ng kuryente sa May 17 hanggang May 19

by Powered by DWIZ
0 comment
Ilang lugar mawawalan ng kuryente sa May 17 hanggang May 19

Mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila, Cavite, Laguna at Bulacan sa Biyernes, May 17 hanggang Linggo, May 19.

Ayon sa Meralco, may nakatakdang power service interruption sa Tagaytay City, Cavite sa Biyernes gayundin sa San Jose Del Monte City, Bulacan at Dasmarinas City, Cavite sa Sabado.

Mawawalan din ng kuryente mula Sabado hanggang Linggo, May 18 hanggang 19 sa Majayjay at Luisiana sa Laguna at sa Lucban at Sampaloc, Quezon Province gayundin ang ilang bahagi ng Mandaluyong City.

Related Posts