PNP inihayag na sinusunod ang human rights protocols kay De Lima
February 9, 2019
Source codes para sa automated election system dinala na sa BSP
February 9, 2019
Show all

Ilang bahagi ng NLEX isasara simula ngayong araw

Isasara sa mga motorista simula ngayong araw ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway o NLEX.

Ito, ayon kay MMDA General Manager Jose Arturo Garcia, ay upang bigyang daan ang konstruksyon ng Skyway Stage 3 sa Balintawak, Quezon City.

Dahil dito, magpapatupad ang MMDA ng traffic rerouting scheme sa pakikipagtulungan ng NLEX Corp simula mamayang alas 11:00 ng umaga hanggang sa matapos ang Skyway Stage 3 sa Disyembre, taong kasalukuyan.

Maaapektuhan nito ang mga motoristang dumadaan ng Balintawak Cloverleaf, Camachile, at Bagong Barrio, kabilang ang East at West Service Roads.

Comments are closed.