Higit 50 paaralan nagsara dahil sa heat wave sa France

Higit 50 paaralan nagsara dahil sa heat wave sa France

by Powered by DWIZ
105 views

Mahigit 50 mga paaralan na ang nagsara sa France dahil sa matinding heat wave.

Pumalo ang temperatura sa naturang bansa sa higit 40°C.

Ayon sa French media, kulang ang air conditioning unit sa karamihan sa mga isinarang paaralan sa Essonne region sa katimugang bahagi ng Paris.

Ilan pang paaralan ang nakatakdang isara sa ilang bayan malapit sa Paris.

Sa huling tala, ilang indibwal na ang nasawi sa buong Europa dahil sa matinding init na kung ihalintulad ng mga ito ay mala-impiyernong init.

0 comment

Related Posts