29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Hidilyn Diaz wagi ng bronze medal sa World Weightlifting Championship 2019

- Advertisement -

Nasungkit ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang bronze medal sa 2019 World Weightlifting Championship sa Pattaya, Thailand.

Nakapagtala si Diaz ng 121 kilograms sa clean and jerk category dahilan upang makuha ang nabanggit na medalya.

Unang nakapagtala ng 93 kilograms sa snatch category si Diaz pero nabuhat niya ang mas mabigat pa rito sa sumunod na kategorya.

Itinanghal namang kampeon ang Chinese weightlifter na si Liao Qiuyun habang nakuha ng kababayang si Zhang Wangiong ang silver medal.

Sa pamamagitan ng kanyang post sa twitter, nagpasalamat si Diaz sa kanyang mga magulang at sa mga nagdasal para sa kanyang tagumpay.

Samantala, nasungkit naman ni Margielyn Didal ang ika 8 na puwesto sa quarterfinals dahilan upang mag-qualify ito sa semifinals ng street league skateboarding global qualifiers sa Sao Paulo, Brazil.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -