Heart Evangelista at Solenn Heussaff kinilala bilang Women of Influence

Heart Evangelista at Solenn Heussaff kinilala bilang Women of Influence

by Powered by DWIZ
0 comment 41 views

Kinilala ng Cosmopolitan Philippines sina Solenn Heusaff at Heart Evangelista bilang mga Women of Influence.

Tinawag ng naturang sikat na magazine na ‘the protector’ si Heart dahil sa malasakit nito sa mga hayop partikular sa aso at pusa.

Matatandaang nagtayo pa ng animal shelter si Heart para sa mga puspin o pusang pinoy at mga aspin o asong pinoy.

Samantala, tinanghal namang ‘the visionary’ si Solenn dahil sa mga obra niya sa pag guhit na nagpapakita ng iba’t-ibang mukha ng mga Pilipino.

Kasama ring pinarangalan si Kevin Balot isang Pilipino transgender na aktibong nagsusulong ng karapatan ng LGBTQ community.

0 comment

Related Posts