Halos $500-M para sa pagpapalakas ng pwersang militar ng Australia

Halos $500-M para sa pagpapalakas ng pwersang militar ng Australia

by Powered by DWIZ
71 views

Gagastos ng halos $500-M ang bansang Australia para sa pagpapaigting ng kanilang pwersang militar.

Ayon kay Australian Prime Minister Scott Morrison, binubuo na ang halos 20 plano para sa pagpapalakas ng kanilang emergency and threat response team.

Paliwanag nito, lahat ng bansa ay may karapatang paigtingin at pangalagaan ang kanilang soberenya kaya hindi dapat kwestyunin ang hakbanging ito.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagpahayag ang militar ng naturang bansa na gagawa ng mga pagsasanay kasama ang pwersa ng mga kalapit na bansa.

0 comment

Related Posts