Update Sa CCTV Project Nan Ciudad, Tag-report Nan CPDO sa CDC General Assembly
November 19, 2018
MILF Chair bumisita sa Camp Aguinaldo sa kauna-unahang pagkakataon
November 19, 2018
Show all

Gobyerno muling makikipagpulong sa mga kinatawan ng NDF

Kinumpirma ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na inatasan sila ng Pangulong Rodrigo Duterte na makipagpulong sa mga kinatawan ng National Democratic Front (NDF).

Ayon kay Dureza, kasama niya si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa naatasang makipagpulong kina NDF Chief Negotiator Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni pagdating ng mga ito sa bansa.

Sinabi ni Dureza na informal na pag-uusap lamang ang mangyayari sa dalawang panig.

Anumang araw ngayong Nobyembre darating sa bansa sina Agcaoili at Jalandoni sa hangaring makaharap ang Pangulong Rodrigo Duterte.

—-

 

 

 

Comments are closed.