Gerald Anderson suportado ang girlfriend na si Bea Alonzo sa body-positivity campaign nito

by Powered by DWIZ
0 comment
Gerald Anderson suportado ang girlfriend na si Bea Alonzo sa body-positivity campaign nito

Suportado ng aktor na si Gerald Anderson ang kanyang girlfriend na si Bea Alonzo sa body-positivity advocacy nito.

Ayon kay Anderson, full-support siya sa pagpopost ng swimsuit photos ng kasintahan sa kanyang Instagram account.

Natutuwa aniya siya dahil kahit pa naging biktima si bea ng body shaming dati ay mas minabuti pa rin nitong gamitin ang social media upang i-promote ang pagiging positibo sa pangangatawan.

Nagbigay mensahe rin si Anderson sa publiko na huwag magpadala sa mga body-shamers.

Mas mainam aniya na mas pagtuunan ng pansin ang pagiging healthy kaysa sa pagpapaganda lamang ng panlabas na pangangatawan.

Related Posts