Foreign Affairs Chief nakatakdang tumulak papuntang China

by Powered by DWIZ
0 comment
Foreign Affairs Chief nakatakdang tumulak papuntang China

Nakatakdang bumisita si Foreign Affairs Secretary Teodoro ‘Teddy’ Locsin Jr. sa China sa susunod na linggo.

Ang  4–day official visit ni Locsin mula March 18 hanggang 21 ay sa imbitasyon ni Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi.

Magkakaroon ng bilateral meetings ang dalawang opisyal para pag-usapan ang pagpapatatag pa sa relasyon ng Pilipinas at China sa pamamagitan ng pag-respeto at kooperasyon.

Kabilang din sa tatalakayin ng dalawa ang mga pamamaraan para magdulot ng mas malawakang kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.

Una nang lumipad sa China si dating DFA Secretary Alan Peter Cayetano kung saan tinalakay ang posibleng joint exploration sa West Philippine Sea.

—-

 

 

 

 

Related Posts