De Lima pinaiimbestigahan ang PNP kaugnay sa ‘palit puri’ scheme
November 13, 2018
DepEd palalakasin ang pagtuturo ng Filipino at panitikan sa K to 12
November 13, 2018
Show all

FDI umakyat na sa 31% — BSP

Umakyat ng 31 porsyento ang Foreign Direct Investments (FDI) sa unang walong buwan ng taong ito.

Ipinabatid ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng pumapalo sa $7.4 billion ang naitalang FDI mula Enero hanggang Agosto mula sa $5.7 billion ng kaparehong panahon nuong 2017.

Ayon kay BSP, patunay ito na nananatiling malakas ang FDI inflows dahil sa pinalakas ding macroeconomic fundamentals at growth prospects ng ekonomiya ng bansa.

Karamihan sa mga investments na ito ay mula sa Singapore, Hongkong, United States, Japan at China.

Ang mga investments ay inilagak sa mga sektor ng manufacturing, financial at real estate, arts, entertainment and recreation at electricity, gas, steam at air conditional supply activities.

Comments are closed.