Ex-driver ni Peter Co patay matapos tambangan sa Batangas City

by Powered by DWIZ
0 comment
Ex-driver ni Peter Co patay matapos tambangan sa Batangas City

Tinambangan at napatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang dating drayber ng umano’y drug lord na si Peter Co sa barangay Sta. Clara, Batangas City.

Kinilala ang biktima na si Elvis Areglo, inmate sa Batangas Provincial Jail.

Ayon kay Police Supt. Sonny Celedio, Batangas City PNP Chief, nabatid na dadalo sa pagdinig sa Korte si Areglo para sa kaso nitong iligal na droga sakay ng BJMP service vehicle nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek at mapatay.

Si Areglo ay may kasong pagtutulak ng iligal na droga sa bayan ng Padre Garcia at iligal na baril sa bayan ng Rosario, Batangas.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Related Posts