Duterte sisimulan na ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa hospital pass sa NBP

Duterte sisimulan na ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa hospital pass sa NBP

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Sisimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa umano’y bentahan ng hospital pass sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito ang kinumpirma ni Senator Bong Go, matapos niyang i-report sa Pangulo ang umano’y illegal na transaksyon sa NBP hospital.

Agad naman itong sinagot ng Pangulo na hindi aniya palalampasin ang umano’y illegal na transaksyon sa NBP hospital dahil nananatili ang kanyang kampanya kontra sa illegal na droga.

Samantala, dahil sa nadidiskubreng anomalya sa Bilibid kinatigan ni Go ang panukalang pagpapatayo ng panibagong kulungan na malayo sa kabihasnan at hindi malulusutan ng illegal na gawain.

With report from Cely Ortega-Bueno.

0 comment

Related Posts