PNP sineseryoso ang umano’y assassination plot kay Duterte — Albayalde
September 13, 2018
Commission On Elections Patuloy Na Nananawagan Sa Mga Unregistered Voters
September 13, 2018

Duterte nakipagpulong kay US Ambassador Kim

Duterte nakipagpulong kay US Ambassador Kim

Nagpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at United States Ambassador to the Philippines Sung Kim sa Malakanyang kagabi.

Sa kanyang twitter post, inilarawan ni Kim ang kanilang pulong ni Pangulong Duterte bilang excellent o napakaganda.

Aniya, kanilang natalakay ang mga usaping may kaugnayan sa defense at economic partnership.

Pagtitiyak pa ni Kim, nananatiling malakas at matibay ang alyansa ng Estados Unidos at Pilipinas.

Ang nabanggit na pulong ay nangyari halos isang buwan matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang pagbibigay babala ni US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver hinggil sa planong pagbili ng submarine ng Pilipinas sa Russia.

Comments are closed.