Duterte inakusahan ang isang obispo ng pagnanakaw sa mga donasyon sa simbahan

by Powered by DWIZ
0 comment
Duterte inakusahan ang isang obispo ng pagnanakaw sa mga donasyon sa simbahan

Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang obispo nang pagnanakaw sa mga donasiyon sa Simbahang Katolika.

Ayon sa pangulo, isang ‘bishop david’ ang sangkot sa katiwalian na ito kung saan napupunta umano sa pamilya at pang-sariling pangangailangan ng obispo ang mga donasyon na ibinibigay ng publiko sa simbahan.

Hindi naman nagbigay pa ng impormasyon ang pangulo sa pagkakakilanlan ng obispo.

Matatandaang, isa si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa mga kritiko ng Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Pangulo, handa siyang isapubliko ang isang video na magpapatunay sa akusasyon na ito laban sa obispo.

Related Posts