DOLE mas paiigtingin pa ang pagpapatupad ng occupational safety and health standards

DOLE mas paiigtingin pa ang pagpapatupad ng occupational safety and health standards

by Powered by DWIZ
63 views

Higit pang paiigtingin ng DOLE o Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng occupational safety and health standards.

Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay para hindi na umulit ang sinapit ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Ipinabatid ni Bello na mayroong mga tauhan ng DOLE ang magsasagawa ng inspeksyon at mag iikot para matiyak na naipapatupad ang ligtas na pagta trabaho.

Tiniyak naman ni Philippine Occupational Safety and Health Center Executive Director Noel Binag ang mabigat na parusa sa mga lalabag na employers.

0 comment

Related Posts