Imelda Marcos hinatulang guilty ng Sandigabayan sa kasong graft
November 9, 2018
HOUSE Committee approves Environmental Engineering Bill
November 9, 2018
Show all

DICT labas sa gusot ng mga kumpanyang nag-bid para sa 3rd telco

Hindi apektado ng gusot sa pagitan ng Udenna at Tier One Communications ni dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson ang pagkakaroon ng third telecommunication sa bansa.

Ayon kay DICT Officer in Charge Eliseo Rio Jr., ang isyu ay kinasasangkutan lamang ng naturang mga kumpanya at labas dito ang gobyerno.

Korte aniya ang dapat na magdesisyon sa isyu habang tanging ang Kongreso lamang ang siyang maaaring bumawi sa franchise ng Mislatel.

Sakali aniyang magkagayon ay maaari namang pumasok sa consortium ang iba pang telco na may franchise.

“’Di siyempre Mislatel lang ang tatanggalin puwede namang pumasok ang ibang merong congressional franchise sa consortium na ‘yun, ang amin lang hinahabol dito ay ang commitment ng consortium, kung sino man ang gagamitin nilang telco basta magawa nila itong ikinommit nila sa bayan, tuloy tayo kasi para ito sa bayan, sa mga tao na magkaroon ng better service.” Pahayag ni Rio

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

Comments are closed.