36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

De Lima pinaiimbestigahan ang PNP kaugnay sa ‘palit puri’ scheme

- Advertisement -

Pinasisiyasat ni Senadora Leila De Lima sa Senado ang umano’y palit puri o sex-for-freedom scheme na kinasasangkutan ng ilang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Sa inihaing Senate Resolution No. 930 ni De Lima, hinimok nito ang committee on women, children, family relations and gender equality na imbestigahan ang nasabing usapin kung saan nagiging biktima ang mga kaanak ng mga nakakulong.

Ayon kay De Lima, nakakaalarma ang mga ulat na ilang mga kababaihan at kabataan ang dumaranas ng pang-aabusong sexual mula sa mga dapat sana ay nangangalaga sa seguridad ng publiko.

Malinaw na palatandaan aniya ito ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng pulisya at hindi dapat pinahihintulutan ng pamahalaan.

Ang resolusyon ni De Lima ay nag-ugat sa kaso ni PO1 Eduardo Valencia ng Manila Police District (MPD) Station 4 na inaresto matapos umano halayin ang 15-year-old na anak ng isang nadakip na drug suspect sa Sampaloc, Maynila kapalit ng kalayaan nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -