DBM naglatag ng contingency plan para sa umento sa sahod

by Powered by DWIZ
0 comment
DBM naglatag ng contingency plan para sa umento sa sahod

Naglatag ng contingency plan ang Department of Budget and Management upang maipatupad ang ika apat na bahagi ng umento sa sahod para sa mga manggagawa ng pamahalaan.

Sa harap ito ng kabiguan pa rin ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso na ipasa ang panukalang budget para ngayong taon.

Sa isang statement, inirekomenda ng DBM na amyendahan ang Executive Order 201 upang payagan ang mga ahensya ng pamahalaan na gumamit ng pondo sa re-enacted budget para maibigay ang umento sa sahod ng mga manggagawa ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Executive Order 201, ang pondo para sa ika apat na bahagi ng salary increase para sa government employees ay kukunin sa 2019 national budget.

Related Posts