Budget ng New Bilibid Prison iimbestigahan

Budget ng New Bilibid Prison iimbestigahan

by Powered by DWIZ
0 comment 44 views

Makikipagtulungan ang Blue Ribbon Committee ng Senado at Commission on Audit (COA) para maimbestigahan ang budget ng New Bilibid Prison (NBP).

Partikular na ang paggamit ng taunang budget ng naturang piitan.

Ayon kay Senador Richard Gordon, matapos ang paglutang ng mga isyu hinggil sa Good Conduct Time Allowance, gusto niyang makita kung nagagamit ba ng maayos ang pondo ng NBP.

Dapat aniya ay eksakto ang budget ng NBP sa bilang ng mga preso, pangangailangan ng mga ito at pagsasaayos ng mga pasilidad.

Matatandaang lumutang na mahigit libo-libong preso ang nakalaya na sa ilalim ng GCTA.

0 comment

Related Posts