Radio Philippines Network
Headlines National News

BSP nanindigang hindi papayagan ang planong itaas ang singil sa ATM transactions

Nanindigan ang BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi nila papayagan ang plano ng ilang bangko na itaas ang singil sa ATM transactions.

Ayon sa BSP, hindi makatuwiran ang anumang pagtataas sa singil sa pag check ng account balance at withdrawal gamit ang ATM.

Sinabi pa ng BSP na dadaan sa kanilang pagbusisi ang anumang dagdag na singil sa ATM transactions.

Kasunod ito ng pahayag ng banking regulator na kanila nang inaalis ang moratorium sa anumang ATM fees na naunang ipinatupad mula pa noong 2013.

Una nang napaulat na posibleng umabot sa 20 hanggang 30 pesos ang ATM fee para sa withdrawals.

Related posts

Guanzon iminungkahi na obligahin ang mga nominado ng party-list na magpasa ng SALN

Powered by DWIZ

Kampanya kontra illegal drugs mas paiigtingin pa — Gamboa

Powered by DWIZ

Suspensyon sa Lotto operasyon binawi na ni Pangulong Duterte

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More