31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Bloke blokeng hinihinalang cocaine nasabat sa Dinagat Islands

- Advertisement -

Narekober ng pulisya ang aabot sa 37 bloke ng hinihinalang cocaine sa Cagdiano, Dinagat Islands.

Ito ay matapos mai-ulat sa Cagdiano Municipal Police Station ng mangingisdang si Gonie Curada ang mga hinihinalang cocaine sa dalampasigan ng Purok 2, Barangay Poblacion.

Batay sa ulat, makita ang mga nasabing kontrabando dakong ala singko y medya ng hapon noong Pebrero 12 pero natanggap lamang ng Police Regional Office 13 ang impormasyon kanina lamang alas tres ng madaling araw.

Agad namang dinala ang nakuhang iligal na droga sa tanggapn ng Regional Crime Laboratory ng PRO 13 sa Butuan City para masuri.

with report from (Jaymark Dagala)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -